Marquez ‘Golden Boy’ na

HINDI na matutuloy ang pangatlong pagharap nina 8-division world champion Manny Pacquiao at WBA/WBO lightweight champion Juan Manuel Marquez.

Ito mismo ang inanunsyo ni Top Rank promoter Bob Arum sa harap ng mga taga media bago magsimula ang open workout ni Pacquiao sa Wild Card Gym, Los Angeles, California.

Taliwas ito sa naunang pahayag ni Arum na si Marquez na ang susunod na makakalaban ng pound-for-pound king kapag nanalo ito kay 5-time world champion Sugar Shane Mosley sa kanilang laban ngayong Mayo 8 sa Las Vegas, Nevada.

Ang pagpirma umano ng kontrata ni Marquez sa Golden Boy Promotions ang dahilan kung bakit binawi ni Arum ang naunang pahayag na sigurado na ang Pacquiao-Marquez trilogy.

Ayon kay Richard Schaefer, chief executive officer ng Golden Boy Promotion, malalaking laban ang inialok nila kay Marquez kaya hindi ito nakatanggi at muling pumirma ng kontrata sa kanila.

Ginawa lamang umanong pain ni Arum si Pacquiao para makumbinse si Marquez na lumipat sa Top Rank ngunit tinapatan nila ito ng offer na hindi kayang tanggihan ng Mexican champion. Girlie Raoet

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply