Masosolb na ba ang krisis sa pagreresayn ni Merci?

KAHAPON ng umaga, binitbit ni Manang Merci ang kanyang resignation letter sa Malakanyang at personal nitong iniabot kay Boss Pnoy.

Dahil dito, tapos na ang kasong impitsmen.

Pero sabi ng iba, hindi roon natatapos ang lahat.

Kasi krimen din ang pagpapabaya o sadyang pagpapatulog ng kaso ng may kaso sa Ombudsman.

Mining tu sey, Suki, yung hindi kuntento sa pagreresayn ni Ms. Ombudsman, eh, pupuwedeng magsampa ng kaso laban sa kanya batay sa kapabayaan o sadyang pag-upo niya sa mga kasong inihain sa kanyang opisina.

oOo

Hindi talaga natatapos ang lahat sa pagkawala ni Manang Merci sa Ombudsman at ang kasong impitsmen.

Bakit? Aba, ngayon pa lang ay may naggigiit nang sablay ang sinasabi ni Justice Secretary Leila de Lima na pupuwede niyang hawakan ang mga kasong plunder ni Gloripie.

Katwiran ni De Lima, pareho na sakop ng DOJ at Ombudsman ang mga kaso ni Gloripie kaya naman kung hindi pupuwede ang Ombudsman, eh, pupuwede ang DOJ na maging tagausig sa hukuman gaya ng Sandiganbayan.

oOo

Pero may sangkap ang usapin na dapat na titigan ng husto.

Kung mahihinog ang mga kaso ni Gloripie at maisasampa sa Sandiganbayan, mayroon bang makasisiguro na matatapos ang mga ito sa limang taong natitirang gobyerno ni Pnoy?

Sa tagal ng pag-usad ng katarungan na umaabot ng 5-20 taon sa Sandiganbayan lamang, paano pa kung aakyat ito sa Court of Appeals at Korte Suprema?

Sa rekord ng mga kasong kriminal, Suki, 20-30  taon ang inaabot bago magkaroon ng pinal na desisyon.

Di ba, Madam Imelda at Hubert Webb?

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply