Matalak na dalagita tinarakan ng hipag

MALUBHANG nasugatan ang 17-anyos na dalagita nang saksakin ng kanyang hipag makaraan ang mainitang pagtatalo sa Quezon City.

Isinugod sa Jose Reyes Memorial Hospital (JRMH) sanhi ng saksak sa iba’t ibang parte ng katawan si Christine Batante, 17, ng Mauban St., Barangay Manresa.

Nahuli naman agad ng mga barangay tanod sa lugar ang suspek na nahaharap sa kasong frustrated homicide at child abuse si Jovy Escolano,  27, ng nasabing lugar.

Sa ulat ng La Loma Police Station 1 ng Quezon City Police District (QCPD), pasado alas 2:00 ng hapon kahapon nang maganap ang insidente sa loob ng kanilang bahay.

Bago ito, nabatid na sa hindi malamang dahilan ay nagtalo ang suspek at kanyang hipag na humantong sa palitan ng maaanghang na salita.

Sa gitna ng pagtatalo ay biglang kumuha  ng kutsilyo ang suspek saka pinagsasaksak ang biktima.

Sa presinto, inamin ng suspek na nagdilim ang kanyang paningin nang hindi maawat sa kakatalak ang biktima ng masasakit na salita laban sa kanya.  Robert C. Ticzon

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply