Matapos manampal, kelot kritikal

BINARIL ang isang 44-anyos na contractor matapos sampalin ang isang kainuman Biyernes ng gabi, Abirl 15, sa Tanay, Rizal.

Kinilala ni Rizal PNP director P/Sr. Supt. Manuel Prieto ang biktima na si Orlando Joven, may asawa, contractor sa isang construction company, ng M.H. Del Pilar St., Armak Side, Barangay Kat Bayani ng nasabing bayan.

Tumakas naman ang suspek na si Andres “Andy” Alcantara, 59, may asawa, tricycle driver, residente rin ng nasabing lugar.

Sa ulat, naganap ang insidente dakong alas-7:30 ng gabi sa labas ng bahay ng biktima kung saan nag-iinuman ang suspek at biktima kasama si Alexander Perez na nagsilbing witness sa pamamaril.

Nauna rito, nagkaroon ng mainit na pagtatalo sina Joven at Perez na nauwi sa pananampal ng una sa huli na inawat naman ni Alcantara.

Pinayuhan naman ni Alcantara ang biktima na pumasok na sa kanyang bahay at magpahinga; sinunod naman ito ni Joven.

Makalipas ang ilang sandali, muling lumabas si Joven na armado ng patalim at tinangkang sugurin ng saksak ang suspek na bumunot naman ng baril at pinutukan ang biktima. Jhie Convocar

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply