Matinding init ng panahon mararanasan sa Semana Santa

BUNSOD sa paglakas ng high pressure area (HPA) na nakaka-apekto sa Northern at Central Luzon, posibleng makaranas ng matinding init ng panahon sa Semana Santa.

Base sa ulat ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa), walang nakikita ang ahensya na papasok na cluster of clouds sa susunod na linggo (Semana Santa) kaya’t inaasahan na mamamayani ang high pressure na magdudulot ng mainit na simoy ng hangin.

Dahil dito, nagpaalala ang Pagasa at Department of Health (DOH) hinggil sa mga maaaring idulot ng mainit na panahon gaya ng dehydration, heatstroke at kabi-kabilang sunog.

Liban sa high pressure na bunsod ng hanging umiiral, apektado pa rin ng easterly wave ang eastern sections ng Visayas at Mindanao kaya may posibilidad pa rin na magkaroon ng bahagyang pag-ulan sa gabi o sa madaling araw.

Maglalaro sa 22 hanggang 34 degrees Celsius ang temperatura. Alex Luiz

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply