Matinding ulan nakabanta: Leyte, Samar pinaghahanda

PINAGHAHANDA ng PAG-ASA ang mga residente sa mga lalawigan ng Samar at Leyte bunsod ng paparating na low pressure na target ang naturang lugar.

Ayon sa PAGASA, asahang matinding ulan ang idudulot ng naturang low pressure ngayong weekend.

Ayon kay Ofel Bidong, residente ng Tacloban, may tatlong araw na rin ang pag-uulan sa naturang lugar at lubhang takot na ang mga nakatira malapit sa bundok dahil malambot na ang mga lupa nito.

Tinatayang nasa 800 kilometro silangan ng Guiuan, Eastern Samar ang nasabing sama ng panahon.

Ayon sa pamahalaang lungsod ng Tacloban, ipinatutupad na ang mandatory evacuation sa mga lugar ng Brgy. Upper Nula-Tula at Brgy. Cabalawan dahil may ilang kabahayan na ang natabunan bunsod sa patuloy na pag-uulan.

“Binabantayan na namin ang mga tao sa lugar dahil balik sila ng balik sa kanilang mga bahay na natabunan upang kunin ang kanilang mga gamit. Ang order kasi sa amin ay huwag muna silang pabalikin dahil patuloy ang pagbaba ng lupa sa bundok baka maabutan pa sila doon”, pahayag ni PO2 Cablao, isa sa mga nagmomonitor sa lugar. Marjorie Dacoro

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply