Matulis na pulis nahuli ni misis

HULI sa akto ang isang pulis na nakikipagtalik sa kanyang kalaguyo ng kanya mismong misis na guro at mga nagrespondeng pulis sa Barangay Bahay, bayan ng Sibonga, Cebu.

Itinago ng pulisya ang nahuling kabaro sa pangalang “Bruce” na may ranggong PO1.

Ayon kay PO3 Ederlino Bacusmo, desk officer ng Sibonga police, tumawag sa kanilang tanggapan ang asawa nitong si Elvira matapos napag-alamang may dinalang ibang babae ang kanyang mister sa kanilang sariling bahay.

Agad namang rumesponde ang pulisya sa pangunguna ni SPO2 Darlene Banogon, na sa pagbukas nito sa isang silid sa kanilang bahay ay huli sa akto ang kanyang mister na pulis na may ibang kasiping.

Hindi naman nakapalag ang pulis at agad itong hinuli kasabay din ng pagdakip sa kanyang kalaguyo na kinilala sa pangalang Tessie.

Napag-alaman na ang pulis ay nakatalaga sa Argao police station at ito ay nag-AWOL dahil sa bisyo sa paggamit ng iligal na droga.

Kinumpirma rin ito ng kanyang hepe na si S/Insp. Wilbert Parilla.

Inihahanda na ang kasong administratibo laban sa nasabing pulis. Robert C. Ticzon

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply