Matutina, et al nakaligtas sa aresto

NAKALIGTAS sa aresto ang isang barangay chairman pati na rin  ang kanyang mga kagawad na kinabibilangan ng dating komedyante na si Matutina matapos asuntuhin dahil sa maling paggamit ng kanilang barangay hall.

Sa mga dokumentong nakalap mula sa Quezon City Regional Trial Court (QC RTC) Branch 98, naisyuhan ng warrant of arrest kamakailan si Chairman Fermin Bitudio Bilaos ng Barangay Bagong Pag-asa ng nabanggit na siyudad.

Napag-alaman na naglabas ng warrant of arrest noong Pebrero 8, 2011 si Judge Evelyn Corpus-Cabochan subalit bago pa man hulihin ng pulisya si Bilaos ay nakapaglgak na ng piyansang P30,000.

Maliban kay Bilaos, sabit din sa asunto ang dating sikat na komedyanteng si Matutina o Evelyn Guerero sa tunay na buhay, Enrico Abillada Sr., Rhoderick Bajarias, Noly Pelaez at Liza Gumarang na pawang mga kagawad at naglagak din ng kanilang piyansa.

Nadawit ang mga nasabing kagawad sa asunto ni Bilaos dahil na rin  sa pagpayag ng mga ito na magamit ang barangay hall sa sariling pang-interes ng kanilang kapitan.

Nauna rito, inireklamo si Bilaos ni Rex Flora dating security guard ng Pistoleros Detective and Security Agency na pag-aari ng una.

Ibinulgar ni Flora na noong mga panahong iyon, ginamit umano ni Bilaos ang bahagi ng barangay hall bilang mini-office ng Pistoleros na ayon pa sa complainant ay kanyang nagamit noong siya ay i-promote ni Bilaos bilang operation officer ng kumpanya.

Ang alegasyon ni Flora ay sinuportahan ng dating sekretarya ng Pistoleros na si Michelle Quirante na nagpatunay din na nagtrabaho si Flora hanggang Disyembre 17, 2007 sa pribadong ahensiya.

Sinuportahan din ito ng mga dating security guard ng Pistoleros na sina Eleizer A. Adalla, Alex Maritana, at Sergio Becles na nagsabing sa barangay hall sila nag-apply ng trabaho noon at doon din pinapupunta sa tuwing araw ng sahod.

Nabatid na nauna nang nagpalabas ng desisyon noong Setyembre 17, 2010 ang Office of the Ombudsman na ipinasisibak si Bilaos, habang anim na buwan namang sinuspinde nang walang sahod ang ang kanyang mga kagawad subalit sa hindi lamang dahilan ay hindi umano naipatupad. Jan Sinocruz

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply