Maximum allowable GVW ipinagpaliban muna

HINDI muna ipaiiral ng Department of Public Works and Highway ang pagpapatupad ng maximum allowable gross vehicle weight (GVW) na probisyon ng Anti-Overloading Law.

Ayon sa pinuno ng DPWH Anti-Overloading Task Force na si Undersecretary Raul C. Asis, ang pansamantalang pagpapahinto ng probisyon ay bunsod ng kasalukuyang pag-uusap ng kanilang ahensya, Philippine Ports Authority(PPA), Department of Trade and Industry (DTI) at iba pang mamumuhunan sa pagrerebisa sa GVW limits sa bawat trak o trailer at pag-synchronize ng operasyon nito.

Sa ngayon ay nagpapatuloy ang pagpapairal ng 13.5 ton per axle load limit habang hindi pa natatapos ang pagrebisa sa GVW limits.

Ang DPWH ATOME ay programa na naglalayong mabawasan ang mga pagkasira ng mga national roads at tulay dahil sa mga trak na overloaded at makatipid ng bilyong piso ang pamahalaan  sa pagsasaayos ng mga kalsada at tulay sa buong Metro Manila bilang simula.

Malaki na umano ang ibinaba ng bilang ng mga lumalabag sa Anti Overloading Law simula ng ipairal ito noong Pebrero 1 nitong taon sa 13 ATOME teams na nakakalat sa buong Metro Manila sa loob ng 24 oras. Ben Reyes

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply