May–ari ng videoke bar utas sa grupo ng bagets

PATAY ang isang negosyante nang pagbabarilin ng grupo ng kabataan sa mismong videoke bar na pag-aari nito sa Quezon City, kaninang madaling-araw.

Nagtamo ng iba’t ibang tama ng bala ng hindi pa malamang kalibre ng baril at hindi na umabot nang buhay sa Fairview General Hospital si Reynaldo Andres Sr., 51,  ng 5 Atis St., Barangay Payatas.

Pinaghahanap na ng Quezon City Police District (QCPD) ang mga suspek na kilalang miyembro ng kilabot na hip-hop boys gang na nanghoholdap sa nasabing barangay.

Sa ulat ng Batasan Police Station 6, pasado ala – 1:00  ng madaling-araw  nang maganap ang insidente sa loob mismo ng videoke bar ng biktima.

Bago ito, nagkakantahan ang biktima kasama ang asawa  at anak sa kanilang videoke bar nang dumating ang may sampung kabataan at nagdeklara ng holdap.

Kinuha ng mga suspek ang hawak na cellphone ng asawa ni Andres pero nang pumalag ang biktima ay agad siyang pinagbabaril ng  mga suspek.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply