May-ari ng inabandonang sasakyan sa MPD tukoy na

NATUKOY na ng Manila Police District (MPD) ang may-ari ng inabandonang Honda (VDW-974) sa harapan ng MPD Press Office kahapon, Lunes.

Kinilala ang may-ari ng sasakyan na si Grace Castro na taga-Naga City.

Kumpirmado namang nakarehistro ang nasabing sasakyan sa Land Transportation Office (LTO) sa Manila West.

Sa ngayon ay pilit pa ring inaalam ang iba pang impormasyon upang matunton ang  may-ari nito dahil hirap pa rin ang MPD na mabuksan ang pintuan ng kotse.

Palaisipan din sa ilang miyembro ng media kung bakit hindi pa rin lumulutang ang may-ari ng nasabing kotse. Jocelyn Tabangcura Domenden

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply