May corrupt na fiscal sa QCHJ

BIGYAN natin ng daan sa espasyong ito ang isang in-email sa atin ng isa sa mga reader natin.

May kinalaman ito sa isang corrupt na fiscal sa Quezon City.

Basahin natin ang nilalaman ng email.

Greetings! Isa akong tagasubaybay ng inyong kolum na Juan de Sabog. Kayo po agad ang una kong naisip na lapitan at daingan tungkol sa masamang gawain ng fiscal dito sa Quezon City Hall of Justice.

Ganito ang pangyayari. January 2011 nang mag-file ang tita ko ng kaso laban sa uncle ko ng kasong concubinage at paglabag sa R.A. 9262  o anti-violence against women sa QCHJ. Ang kaso ay nai-raffle at bumagsak sa sala ng isa sa mga Fiscal dito. Kaya ko po nakilala at nalaman ang pangalan ng fiscal ay dahil sa pirma na isa siya sa mga pumirma sa hawak naming mga  papeles.

Bago pa magsimula ang unang hearing, nakipag-set ng appointment ang dalawa sa mga Fiscal sa amin upang pag-usapan at turuan kami ng mga dapat gawin. Sa Bellissimo sa may Tomas Morato kami nag-meeting bandang 5:30 ng hapon. Yung date po ay saka ko na sasabihin dahil naiwan ko ‘yung resibo ng pinagkainan namin sa wallet ko. Nang araw na yaon, kami nga ay pinayuhan at sinabihan na napakalakas ng kaso. (ITUTULOY)

SEX TRADE SA QCC  SA QUEZON AVENUE

Patuloy ang sex trade sa loob ng mga vip room sa Quezon Chamber Club (dating Queen Castle Disco) sa may Quezon Ave., Q.C.

Malakas ang QCC kay QC Mayor Herbert “Bistek” Bautista dahil sa hawak ito ni  “Papa Mayor.”

Si Papa Mayor ang backer ng QCC kaya hindi ito ginagalaw  kahit garapalan na ang sex trade sa loob ng mga vip room.

Hindi na entertainment ang kinakalakal sa club na yan kundi ang sex-trade.

Anomang reklamo o puna  ay itext lang sa 0918927-4764, 09266719269 o email juandesabog  @yahoo. com. Johnny Magalona

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply