May sakit sa pag-iisip pinilahan ng 4 bagets

MAGWAWAKAS na ang mapait na sinapit ng isang dalaga na may sakit sa pag-iisip matapos halinihinang pagsamantalahan ng apat na kabataang lalaki, dalawang linggo na ang nakararaan sa loob ng kanilang tahanan sa Navotas City.

Pormal nang nagsampa ng kaso ang biktima na itinago sa pangalang “Juvy” at kanyang mga magulang sa tanggapan ng Women & Children Complaint Desk (WCCD) Martes, Abril 5 laban sa mga suspek.

Kasong 4 counts rape ang kakaharapin ng mga suspek na kasalukuyang pinaghahanap ng mga awtoridad  na nakilala lamang sa alyas na Adam, 13 Jason, 14 James, 15, at isang hindi pa nakilala.

Sa imbestigasyon ni P03 Belany Dizon, ng WCCD, naganap ang insidente noon pang nakaraang Marso 26, bandang alas-dos ng hapon sa loob mismo ng bahay ng biktima.

Nagpunta umano ang apat na mga suspek sa bahay ng biktima at nang abutang walang kasama sa bahay ang biktima ay halinhinan nilang hinalay ang dalaga.

Makaraan ang ilang araw, napansin ng mga magulang ng biktima ang kakaibang kilos ni Juvy hanggang sa ipinagtapat ng dalaga ang ginawa sa kanya ng mga suspek.

Dahil dito, agad sinamahan ng magulang ang anak sa tanggapan ng pulisya para pormal na ipagharap ng reklamo ang mga suspek. Roger Panizal

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply