May sayad nagbigti sa mental hospital

LAWIT ang dila at patay na nang madiskubre ng mga empleyado ng National Center for Mental Health (MCMH) ang isang pasyente na nagbigti sa loob mismo ng ospital kanina sa Mandaluyong City.

Kinilala ni Mandaluyong City chief of Police P/Sr. Supt. Armando Bolalin ang biktima na si Eduard Aldeas, 38, tubong Tiaong, Quezon, naka-confine sa Unit 2- Isolation Room No.7 sa 2nd Floor ng Pavilion IV Forensic Psychiatric Bldg., ng MCMH.

Sa ulat, dakong 5:10 ng hapon nang madiskubre ang pagpapakamatay habang nagsasagawa umano ng routine check up ang duty nurse na si Grace Saludes.

Laking gulat nito nang makita ang biktima na nakabitin gamit ang pinagbuhol na pang-itaas nitong uniporme na itinali sa leeg at sa pintuang bakal.

Agad na humingi ng tulong sa kanyang mga kasamahan si Saludes para isalba ang biktima subalit idineklarang patay na ng duty doctor na si Dra. Marilyn Lin. Jhie Convocar

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply