Mayo 2 idineklarang regular working day

IDINEKLARA ng Malakanyang na regular working day ang Mayo 2, Lunes.

Ang nasabing petsa ay makaraan naman ang pagdiriwang ng Araw ng Pagggawa, Mayo 1, tumama sa araw ng Linggo.

“May 2 is a regular working day,” ang pahayag ni Presidential spokesman Atty. Edwin Lacierda.

Ang Labor Day ay isa sa mga regular holidays para sa 2011 batay sa inilabas na Proclamation No. 84 ni Pangulong Benigno Aquino III.

Matatandaang sa ilalim ng Arroyo administration, nakasanayan na ng publiko ang tinatawag na holiday economics kung saan walang pasok ang araw ng Lunes o Biyernes  kapag tumama ang holiday ng Sabado o Linggo.

Sa bisa ng Republic Act 9492, inililipat ang regular holidays at special days sa malapit na Lunes.

“In the event the holiday falls on a Wednesday, the holiday will be observed on the Monday of the week. If the holiday falls on a Sunday, the holiday will be observed on the Monday that follows,” ang nakasaad sa RA 9492.

Subalit noong 2010 ay isa-isa nang sinasalungat ni Pangulong Aquino ang nakasanayang economic holidays nang tanggihan nitong iurong ang Ninoy Aquino Day sa Aug. 21 sa pinakamalapit na Lunes nang magpalabas ang Chief Executive ng Proclamation No. 13. Kris Jose

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply