Mayo de Guzman nanawagan na sa saksi sa Pilar case

UMAPELA na si Marikina Mayor Del De Guzman sa mga nakasaksi sa pagsaksak kay Pilar Pilapil at pagdukot sa kasamahan nito para sa ikakalutas ng kaso.

Ayon kay Mayor De Guzman, maraming nakatalagang mga pulis sa Marikina Riverbanks Center kung saan nangyari ang insidente. Nagkataon lang umano siguro na nasa loob nagpapatrolya ang mga pulis.

“Unfortunately, they (police) might be inside the malls or patrolling elsewhere when the incident happened. However, there were witnesses who up to now are just keeping quiet out of fear. I asked them to come out and help us solve the case,” pahayag ni De Guzman.

Matatandaang muntik na mamatay ang aktres na si Pilapil matapos pagsasaksakin at iwan sa Antipolo City. Nagkunwari lang patay ang aktres kaya iniwan si Pilar sa nasabing lugar.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply