Mayor Maita Ejercito makatas sa paglipas ng panahon

KUNG baga sa pelikula isang blockbuster movie ang naganap na LAKAN at BB. PAGSANJAN nitong katapusan ng Marso na ipinagdiriwang taun-taon sa Pagsanjan Bangkero Festival  na siyang tourist capital ng lalawigan ng Laguna na dili’t iba ang bayang sinilangan  ng dating presidente ng bansa na si Joseph “Erap”  Estrada, ang matulaing bayan ng Pagsanjan.

Ang naturang festival ay isa sa mga magagandang programa ng mag-asawang Governor Jeorge (E.R. E JERCITO ) at ng maganda at lalo pa yatang gumaganda at naging mas makatas sa paglipas ng panahon ng dating aktres na si Mayora Maita Ejercito.

Wika nga kung babalikan ni Maita ang pelikula at television ay posibleng makaagaw pang muli ito ng pansin sa televiewers at posibleng makakompitensya pa ng magagaling nating aktres sa ating bansa.

Nagsilbing host ng marangal na okasyon ang city councilor at aktresang si Maricel Morales na ngayon ay opisyal ng syudad ng  Angeles City.

TERI ONOR HIT SA PAGSANJAN

Walang pagbabago si Teri Onor, na tumutugon sa pangalang Dexter Dominguez, kasalukuyang Board Member sa Bataan at talaga namang binulabog niya ang munisipalidad ng Pagsanjan sa kanyang mga nakakatuwa at nakakaaliw na comedy bar acts habang nagpaparinig ng mga malalamyos niyang awitin. Maging si Gob. Ejercito na nakatutok ang paningin ko ay hindi nakaiwas na hindi mapabunghalit ng tawa habang nagpe-perform ang hitad. JL Carandang

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply