Mayors’ league tutulong sa maaapektuhan ng Taal

NAGKAISANG tumulong ang League of Mayors in the Philippines-Batangas Chapter sa mga bayang maaaring maapektuhan ng pag-aalburuto ng Bulkang Taal.

Sinabi ni LMP President Sofronio Ona, patuloy ang pag-oorganisa ng mga punongbayan upang tulungan ang mga bayang apektado kung sakaling matuloy ang nakaambang pagsabog ng bulkan.

Kabilang sa mga inihandang tullong ay ang pagpapahiram ng sasakyan na magagamit sa paglilikas at paahahakot ng kagamitan ng mga residente at paglalaan ng evacuation centers.

Handa rin ang ibang mga punongbayan na tumulong at magdeklara ng state of calamity kung kinakailangan na upang magamit ang kanilang pondo para dito. Johnny F. Arasga

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply