Media pinatututok sa massacre case

DAPAT umanong maging mas agresibo pa ang media sa pagla-lobby sa pamahalaan kaugnay sa Maguindanao massacre case.

Kaugnay nito, nanawagan si Cotabato Auxiliary Bishop Jose Colin Bagaforo sa media na mahigpit na tutukan ang naturang kaso na kumitil sa buhay ng may 57 katao, kung saan 38 ang miyembro ng media.

Ayon kay Bagaforo, dapat i-pressure ng mga mamamahayag ang pamahalaan upang makamit ng mga biktima ang katarungan.

“I would expect sa media natin to aggressively follow this one, aggressively make noise and aggressively lobby the judiciary at executive department on how this can pass by,” ayon kay Bagaforo sa panayam ng church-run Radio Veritas.

Nauna rito, nadismaya ang pamilya ng mga biktima sa Maguindanao massacre matapos hindi basahan ng sakdal ng Quezon City Regional Trial Court sa sala ni Judge Jocelyn Solis Reyes ng Branch 21 ang ilang pangunahing akusado sa krimen tulad nina dating Maguindanao Gov. Andal Ampatuan, Sr. at dating Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) Gov. Zaldy Ampatuan. Kyle Gatus

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply