Mediaman bagsak sa sapok ni Pacquiao

ISANG taga-media na gustong malaman kung gaano kalakas ang suntok ni 8-division world champion Manny Pacquiao, ang bumagsak sa isang suntok sa katawan ng pambansang kamao kahit na nakasuot ng body armor.

Ito ang kinumpirma ni coach Freddie Roach na nakabalik na sa Wild Card Gym, sa Los Angeles, California, pagkatapos ng limang araw na pananatili sa Manchester, England para sa laban ni WBA junior welterweight champion Amir Khan.

Ayon kay Roach, ang nasabing media man ay myembro ng CBS team na nagku-cover ng training ni Pacquiao.

Suot ang body armor ay umakyat sa ring ang media man kung saan agad na bumagsak nang bigyan ni Pacman ng isang malakas na suntok sa katawan.

Ayon pa kay Roach na maging siya umano ay binugbog ni Pacquiao sa unang araw ng kanilang training mula ng makabalik sya mula sa England, na para bang sabik na sabik na muli syang makita   at makasama sa training. Girlie Raoet

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply