Mendoza bagong commissioner ng COA

OPISYAL nang itinalaga ni Pangulong Benigno Aquino III si dating Commission on Audit (COA) auditor at whistleblower sa AFP anomaly na si Heidi Mendoza bilang bagong COA commissioner.

Ayon kay ni Presidential Communications Development and Strategic Planning office Secretary Ramon Carandang, walang duda na magagampanan ni Mendoza ang tungkulin nito ng  maayos kung saan patunay ang  pagtestigo nito sa katiwalian sa loob ng AFP.

Sa kabilang dako, hinirang naman ng Chief Executive si Maria Gracia Pulido-Tan na pangasiwaan ang CoA bilang bagong chairperson kapalit ni Reynaldo Villar.

Ang ad interim appointment ni Tan ay mapapaso sa Pebrero 2, 2015.

Sa ulat, si Tan ay dating commissioner ng Presidential Commission on Good Government (PCGG) at undersecretary ng Department of Finance for revenue operations noong 2005.

Sinabi ni Carandang, karapat-dapat umano si Tan sa puwesto dahil mayroon siyang legal at accounting background kaya hindi na siya mahihirapang mag-adjust sa bagong trabaho.

Si Mendoza ay umalis sa kanyang trabaho sa Asian Development Bank (ADB) upang tumestigo sa congressional hearings laban kay dating AFP comptroller at retired Maj. Gen. Carlos Garcia na nahaharap sa P303-million plunder suit sa Sandiganbayan.

Idinetalye ni Mendoza ang umano’y “money trail” sa mga naging transaksiyon ni Garcia.  Umani rin ng kontobersiya si Mendoza matapos na akusahan niya ang dati niyang mga kasamahan sa CoA na umano’y “napopolitika” na rin.

Samantala, umaasa naman ang Malakanyang na magagampanan ng dalawang bagong talagang opisyal ang kanilang tungkulin.

“We expect them to carry out the duties of coa in the proper manner and we believe they have qualifications to serve their posts,” ani Carandang. Kris Jose

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply