Merci matatapos ang termino — Solon

MATATAPOS ni Ombudsman Merceditas Gutierrez ang kanyang termino hanggang sa Oktubre 2012 nang hindi nai-impeach.

Ito ang pagtataya ni House Deputy Minority Leader Danilo Suarez sa ginanap na Balitaan sa Serye.

“Let me make my position and I will repeat. Iyong kaso ni Ombudsman Merceditas Gutierrez will take up to her retirement. Hindi matatapos iyan.  Aabutin iyan ng 2012 na wala pang resolusyon,” sinabi pa ni Suarez.

Aniya sa rami ng kasong inihain (anim na article of impeachment) ng 11-prosecution panel sa Senado laban kay Gutierrez ay imposibleng agad itong matapos bukod pa aniya sa mga ipatatawag na testigo at sa napipintong pagtalakay sa 2012 General Appropriations Act bago ang holiday season.

Nagbanta rin si Suarez na padadaanin ng oposisyon sa butas ng karayom ang susunod na deliberasyon ng badyet.

Ipinaliwanag pa ni Suarez na ang mga nag-aambisyon na maging senador sa 2013 o muling kakandidato ay tiyak na magsasamantala sa libreng media exposure sa impeachment trial. Meliza Maluntag

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply