Mercury vapors sa Pier 18, Maynila ikinabahala

IKINABAHALA ng EcoWaste Coalition ang nadiskubreng mercury vapors sa recycling section ng waste lamps sa garbage transfer station sa Pier 18, Maynila.

Giit ng grupo, ang naturang mercury vapors ay maaaring makasama sa kalusugan ng mga manggagawa doon at gayundin sa kalikasan.

Binanggit ng grupo na sa government-published guidebook na “Mercury-Containing Lamp Waste Management,” ang mercury at mga compound nito ay ‘highly toxic’ o nakalalason, partikular na sa nervous system ng tao.

Ang exposure o pagkalantad sa mataas na lebel ng mercury ay maaari umanong maging sanhi ng ‘permanent brain damage’, ‘central nervous system disorders’, ‘memory loss’, ‘heart disease’, ‘kidney failure’, ‘liver damage’, ‘vision loss’, ‘sensation loss’, at ng tremors.

Hindi rin umano dapat na basta na lamang itapon ng mamamayan sa regular trash ang mga naturang CFLs dahil ito’y iresponsable at labag sa batas, lalo na’t ang lumang mercury-containing lamps ay kinaklasipika bilang ‘special waste’ na nangangailangan ng hiwalay na handling at treatment.

Batay sa isinagawang imbestigasyon ng EcoWaste Coalition, lumilitaw na ang informal recycling ng compact fluorescent lamps (CFLs) na may mercury, sa isang recycling site sa Maynila, ay isinasagawa sa pinakalumang pamamaraan.

Kaugnay nito, hinimok ng EcoWaste Coalition ang pamahalaan na gumawa ng eco-friendly policy para sa pagmamantine ng lamp waste para sa bahay, maliliit na negosyo at mga institutional users. Kyle Gatus

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply