Mga abogado todo-bantay sa bagong ‘Merci’

UMAASA ang Center for International Law na ang itatalaga ni Pangulong Noynoy Aquino bilang susunod na Ombudsman ay magiging kaisa sa mga adhikain ng pamahalaan na matuwid na landas.

Sinabi ni Atty. Harry Roque ng Center for International Law, na ang susunod na Ombudsman ay dapat na unahin ang kapakanan ng publiko at pangalagaan ito laban sa mga tiwaling opisyal sa gobyerno.

Kasabay nito, umaasa si Roque na bibigyang pansin ng maitatalagang ombudsman ang nilalaman ng alston report at mga paglabag sa karapatang pantao.

Samantala, nagpasalamat din ang grupo sa pagbaba sa pwesto ni ombudsman Merceditas Gutierrez bago pa nasimulan ang pagdinig ng Senado sa impeachment laban sa kanya at naiwasan pa ang paggastos ng malaki para rito.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply