Mga bus iinspeksyunin ng LTO sa Semana Santa

MAHIGPIT na iinspeksiyunin ng Land Transportation Office (LTO) ang mga bus na bibiyahe sa iba’t ibang bahagi ng bansa sa darating na Semana Santa.

Ito ay upang matiyak umano na ligtas ang mga sasakyan ng mga pasaherong magdadagsaan sa mga terminal upang makauwi sa kani-kanilang probinsya.

Dahil dito, pinakilos ni LTO chief Virginia P. Torres ang mga opisyal ng LTO sa mga rehiyon na agahan ang pag-iinpeksyon upang makasiguro na ang mga bus na sasakyan ay nasa kondisyon at walang aberyang kakaharapin sa mahahabang biyahe sa Holy Week.

“We want to make sure that passenger vehicles, especially buses, are in the condition to travel long distances to ferry travellers to their destinations safely,” ayon pa kay Torres.

Aniya, maraming aksidente sa kalsada  ay resulta ng mga depekto sa sasakyan.

Upang maiwasan ito ay kinakailangang higpitan ang pagpapatupad ng mga alituntunin sa LTO para sa kaligtasan ng mga pasahero.

Sinabi ni Edgar D. Cabase Sr., direktor ng Law Enforcement Service, na wala silang magagawa kundi ipagbawal ang pagbibiyahe ng mga bus na depektibo at patuloy na lumalabag sa alituntunin ng LTO.

Ayon kay Cabase, wala silang sasayanging oras sa buong linggo para sa pag-iinspeksiyon ng mga bus.

Aniya, bibigyan nila ng tsansa ang mga operator na ipaayos muna ang kanilang mga sasakyan bago nila ito payagang bumiyahe dahil nakasalalay dito ang kaligtasan ng mga pasahero.

Dahil dito, nakikipag-ugnayan na ang ahensiya sa iba’t ibang rehiyon para sa kanilang “Oplan Lakbay Alalay“ na  sisimulan ang  pag-iinspeksiyon  sa Cubao, Quezon City at mga lungsod ng Pasay, Caloocan, at Manila, kung saan dumdagsa ang maraming pasahero. Alex Ching

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply