Mga delikadong minahan pasasabugin –Robredo

KAUGNAY pa rin sa trahedyang nangyari sa isang minahan na natabunan ng landslides at ikinamatay ng ilang minero sa Compostela Valley kaya pinag-aaralan ngayon ni Interior Secretary Jesse Robredo ang pagpapasabog sa  mga  ikinukonsiderang delikadong minahan.

Ani Robredo, ilan aniya ito sa mga hakbang na napagkasunduan ng mga opisyal ng lokal na pamahalaan noong isang linggo.

Dagdag pa ni Robredo, kasama rin sa ikinukonsidera ang pagbibigay tulong sa mga residente sa apektado ng kalamidad.

Kahapon ay sapilitan na ang paglilikas ng gobyerno sa mga residente na naninirahan malapit sa pinangyarihan ng trahedya.

“Tingnan natin ang environmental issues, i-blasting ang tunnel na dapat sarhan na. Ito ang mungkahi ni Mayor Sarenas, pero kailangan ang permiso ni Secretary Paje,” ani Robredo.

Ani pa ni Robredo, binabalewala pa rin aniya ng ilang maliliit na kumpanya ng minahan ang mga alituntuning ipinatutupad ng Department of Environment and Natural Resources-Mines and Geosciences Bureau (DENR-MGB) ukol sa kaligtasan gayundin sa patuloy na operasyon ng ilang minahan na kinansela na ng ahensiya ang mga permiso.

Magugunitang Biyernes Santo nang nangyari ang insidente kung saan nalibing nang buhay ang ilang minero ng gumuho ang lupa sa bayan ng Pantukan. Alex Ching

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply