Mga disgrasya at sakit sa Semana Santa

KUNG dumarating ang Semana Santa, napakaraming dumarating na disgrasya.

Ang iba ay maituturing na bahagi ng kapabayaan o pananadya. Yung iba ay talagang walang kapabayaan o pananadya kundi purong disgrasya. Ang iba ay tulak ng sikmura o gutom.

Yun bang === gumagawa ng paraan na mabuhay ang mga taong nagugutom at halos wala silang ipinagngingilin na gawaing panrelihiyon.

Sapat nang alam nilang maawain ang Diyos at nasa kanila naman ang paggawa ng paraan para maging totoo ang awa ng Diyos.

Maaaring may kapabayaan sa apat na batang nalunod habang nag-e-enjoy sa swimming sa isang ilog sa San Leonardo, Nueva Ecija nitong Black Saturday.

Ang babata ng mga ito sa edad 8-12 para pabayaang maligo nang sila-sila lang.

Pero ewan natin kung ano ang isasagot ng mga magulang sa imbestigasyong tiyak na isasagawa ng mga kinauukulan.

Pero ang tiyak na kapabayaan o may pananadya talaga ay ang paliligo sa mga ipinagbabawal na lugar gaya ng Manila Bay. Napakarumi ng dagat na ito, lalo na sa tabi-tabi dahil sa pagkalat ng sobrang basura at malinaw ang pagbabawal dito.

Pero hinahayaan pa rin ng ilang magulang ang kanilang mga anak na maligo rito.

Paano kung magkasakit ang mga yan at mamatay sa lason sa pagiging pasaway ng kanilang mga magulang?

Baka kung sino-sino na lang ang kanilang sisisihin?

Sa kabilang banda, kawawa ang mga katulad ng mga minero na na-trap sa minahan sa Compostela Valley.

Sa kabila ng pagkakaroon ng maraming ginto sa lugar, laganap pa rin ang gutom diyan. Kaya naman kahit Semana Santa ay sumusuot sa mga tunnel o naninirahan sa lugar ang mga minero riyan para lang magkaroon ng kaunting bayad sa kanilang trabaho na ginapala at ginapiko. Sino nga pala ang may-ari ng minahan?

O illegal miner ang mga namatay at na-trap sa butas o natabunan ng putik ang kanilang tent nang bumulwak ang maraming tubig-ulan diyan, kasabay ng landslide?

Pero illegal man o hindi, dala ng hirap sa buhay ang pagmimina riyan.

Sa kabuuan, nagpapasalamat tayo at walang gaanong disgrasya sa nakararami sa gitna ng Semana Santa maliban lang sa mga libo-libo kataong nasunugan sa Metro Manila sa Holy Week.

Anomang reaksyon o reklamo ay maaaring i-text o itawag sa 09214303333. Benny Antiporda

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply