Mga labi ni AJ Perez nasa La Salle Greenhills na

NAKABUROL na ang labi ng young actor na si AJ Perez (Antonello Joseph Perez) sa La Salle Greenhills sa Mandaluyong City.

Si Perez ay namatay sa isang car accident kaninang madaling araw pagkatapos ng show sa Bangus Festival na bahagi ng Kapamilya Caravan.

Ayon sa ama nitong si Gerry Perez, ilalagak doon ang labi ni AJ hanggang Martes, April 19.

Si AJ ay nakatambal ni Jessy Mendiola (Sabel) bilang Dido sa katatapos lang na teleseryeng “Sabel” sa Primetime Bida ng ABS-CBN 2.

Bahagi rin si AJ ng grupong Gigger Boys ng ASAP Rocks kasama pa ang ilang Star Magic artists na sina Sam Concepcion, Robi Dominguez, Enrique Gil at Aaron Villaflor.

Nagluksa ang mga Kapamilya star sa pagpanaw ni Perez at sa programang “The Buzz,” in-interview ang ilang malalapit na kaibigan nito.

Lahat sila ay nagulat sa sinapit ng sumisikat na aktor. Ayon pa sa kanyang mga kaibigan sa Gigger Boys, hindi pa nila matanggap ang nangyari dito.

Binalikan din nila ang mga masasayang ala-ala na iniwan nito.

Si AJ ay lumabas din sa mga pelikulang “Kasal, Kasali, Kasalo” (2006); “Sakal, Sakali, Saklolo” (2007) ni Judy Anne Santos;  “BFF” (2009);  Babe, I Love You (2010); “Mamarazzi” (2010); “Cinco” (2010) at “Ang Tanging Pamilya” (2010).

Samantala, hawak na ng awtoridad ang driver ng trak at bus na nakabanggaan ng sinasakyang van ng aktor. Bineza Zapanta

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply