Mga Ligot i-detain sa Manila City Jail

BIGYAN naman natin ng pagkakataon ang ating mga reader sa araw na ito, mga Bro.

DAYAAN SA ARMM

Gud morning po. Sana po wag namang isabay ang eleksyon dito sa ARMM sa 2013 eleksyon. Mahirap yan, sigurado na naman ang malawak na dayaan. Ituloy na dapat sa August. Thanks at saka God bless po.   919347

BUDOL-BUDOL GANG AT INUTIL NA PNP

Good pm po, Mr. Benny Antiporda. Dito po sa aming bayan sa Floridablanca, Pampanga, marami pong nabiktima ng sinasabi nilang budol-budol gang. Isa po ang tita ko sa nabiktima. Malaking halaga ng alahas ang nakuha, 300 thousand. Nag-report kami sa pulis pero wala silang ginawang action. Sabi nila wala na silang magagawa dahil nakatakas na ang mga salarin. Ang punto ko po, paano kung marami pa ang  mabibiktima tuwing Miyerkules dahil maraming tao sa Market day. 919802

JEEPNEY DRIVERS MANDARAYA

Gud day. Sir, baka pwede niyong ilathala itong reklamo ko. Tungkol sa pandaraya sa  singil ng mga jeepney driver sa mga estudyante at senior citizen. P7.OO ang singil nila na dapat ay P6.50 lang, hindi sila nagsusukli nang tama. Lahat po ng jeep ay mandaraya. Thanks and more power to your column. 918497

MGA LIGOT I-DETAIN SA MANILA CITY JAIL

Hello po, gud pm. Hindi dapat na doon lang sa Senado ma-detain ang mga Ligot. Dapat doon sa Manila City Jail, kasama ng mga Sigue-Sigue at Sputnik gangs! Joy of San Manuel, Pangasinan. 3912751

KORAPSYON SA PALUPA NG NFA

May korapsyon sa palupa sa NGC-EDP-NHA. Dapat busisiin ang National Government Center sa 9207 Project. Ito’y pinagkakaperahan, dinaraan sa raket, pananakot, pagsasamantala, panghaharas. Under the table na lagayan umarangkada! One Stop Shop syndicate inilunsad. 948417

PUNA SA NASA LIBYA

Nabasa ko po ang pahayag ng isang OFW na sa bansang Libya na ang pangalan ay Rowel. Ang mahirap sa kanila ay kung mangailangan sila ng tulong sa ating gobyerno, ang gusto nila ay ura-urada, kaagad matulungan sila. Bakit noong pumunta sila doon, alam ba ng ating Pangulong Noy yan? Kung gusto nilang matulungan sila roon, maghintay sila dahil hindi lang naman siya ang kababayan natin doon na nangangailangan ng tulong. 939878

Anomang reaksyon o reklamo ay maaaring i-text o itawag sa 09214303333.  Benny Antiporda

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply