Mga magulang ng kabataang mahuhuli sa curfew kakasuhan

KAKASUHAN ang mga magulang ng mga kabataang mahuhuli sa paglabag ng curfew dahil sa hindi nila pagdidisiplina sa kanilang mga anak.

Ito ang banta ni Manila City administrator Jesus Mari Marzan laban sa mga magulang.

Sa ginanap na Peoples Day nitong Biyernes, Abril 1, binigyang-diin ni Marzan na dapat umanong irespeto ng mga magulang ang ipinatutupad na ordinansa ng Maynila dahil ito ay para rin sa kanilang kapakanan at seguridad.

Nabatid pa kay Marzan na mapaparusahan ang mga magulang ng mga kabataang mahuhuling lumalabag sa Civil Code ng dalawang ulit at pansamantalang mamamalagi sa Manila Social Welfare Development.

Anang opisyal, pagsapit ng alas-diyes ng gabi ay wala na umano dapat kabataan na nasa edad na 18 pababa na nasa lansangan at pagala-gala.

Ito ay bunsod na rin ng malimit na kaguluhang kinasasangkutan ng mga kabataan tuwing hatinggabi.

Dapat umanong ginagabayan ng mga magulang ang kanilang mga anak na menor-de-edad upang matiyak ang kanilang kaligtasan. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply