Mga mata ni AJ Perez may recipient na

MAYROON ng bagong recipient ang mga mata ng yumaong young actor na si AJ Perez matapos ang balitang hindi maaaring mai-transfer ito kay Fatima Soriano, ang unang recipient sana ng mga mata ng aktor.

Ang tatanggap ng mata ni AJ ay si Lawrence Villanueva, 28 at sa isang walong taong gulang na batang lalaki.

Anila, hindi sila makapaniwala na sila ang napili para tumanggap ng mata ni AJ.

Umani naman ng papuri ang pamilya ng aktor mula sa Eye Bank dahil sa kabila ng pighating dinadanans ng mga ito sa pagpanaw ni AJ ay nagawa pa nilang tumulong sa iba.

Ayon kay Dr. Menguita Padilla, presidente ng Sta. Lucia Eye Bank, humahanga siya sa mga taong nasa gitna ng pagluluksa ay naisip pang tumulong sa kapwa.

Si AJ, na isang Star Magic artist ng ABS-CBN 2 ay pumanaw sa isang car accident nitong nakaraang linggo.

Samantala, magkikita ang mga recipient at magulang ni AJ.

Ayon pa sa pamilya Perez,hindi man buhay si AJ ay ang mata nito ay makatutulong pa rin sa iba. Alex Luiz

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply