Mga miyembro ng CPP-NPA lumutang

UMABOT sa mahigit 20-miyembro ng Communist Party of the Philippines-New Peoples Army (CPP-NPA), kung saan karamihan ay pawang mga kababaihan, ang bigla na lamang lumutang at nagmartsa nitong martes ng umaga sa Sta. Cruz, Manila.

Agad umaksyon ang mga tauhan ni P/Supt. James Afalla, Station Commander ng Manila Police District (MPD)-Sta. Cruz Police Station 3 at sa pangunguna ni SPO4 Cenon Parungao, nagkanya-kanyang takbo papalayo at humalo ito sa mga taong naglalakad sa kalye.

Ayon sa salayasay ni SPO4 Parungao, desk offier ng MPD-Blumentritt Outpost, dakong alas-diyes ng umaga nang biglang dumagsa ang mga miyembro ng CPP-NPA sa panulukan ng Blumentritt at Pedro Guevarra Sts. sa Sta. Cruz.

Napag-alaman na hinihimok ng grupo ang mga mamamayan na makibahagi at sumama sa CPP-NPA na may matatamis na pananalita.

Bitbit ang mga placard na ang ilan ay nagsasaad ng “Komunista ng pilipinas, Makibaka, New Peoples Army; mabuhay ang ika-38 anibersaryo ng National Democratic Front of the Philippines; Isulong ang digma, sumapi sa NPA; Viva CPP-NPA, Makibaka at isulong ang demokratikong Rebolusyunaryong Bayan.”

Napigil lamang ang nasabing hanay ng grupo nang harangin at tangkaing arestuhin sila sa utos na rin ni Supt. Afalla, subalit nagkanya-kanya ito ng takbo at humalo ang ilan dito sa karamihan ng taong naglalakad sa nasabing lugar. Rene Crisostomo

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply