Mga opisyal ng barangay sa Maynila nilansi ang SK

IBINULGAR ng  dating SK Chairman  sampu ng kanyang mga kaalyado ang mga anomalyang nagaganap sa kanilang barangay simula pa noong naupo ito bilang chairman ng Sangguniang Kabataan ng Barangay 779 Zone 85 ng Eloriaga St., Sta.Ana, Maynila mula 2008 hanggang 2010.

Sa paghaharap nina outgoing SK Chairman Ma. Jhoselle Sta.Teresa, incoming chairman Rafael Palisoc at incoming treasurer Francisco de Jesus III ay nagkaroon ng kalituhan at problema sa mga proyekto sa pamumuno ni Sta.Teresa dahil hindi umano naisangguni ang mga ito sa konseho ng barangay at maging sa Sangguniang Kabataan.

Ilan lamang sa mga isiniwalat ng panig ni Sta.Teresa ay ang paglabas ng malaking pondo ng barangay gamit ang Sangguniang Kabataan.

Ani Sta. Teresa, ang nasabing malaking pondo ay ginamit umano sa mga proyekto para sa mga kabataan, ngunit hindi naman nakikita o napapakinabangan ang mga ito.

Ayon sa dating SK official, kinukurakot lamang ng mga opisyal ng barangay ang badyet na sana’y para sa mga kabataan ng barangay.

Nabuking lamang umano ang anomalyang ito nang ma-verify nila sa Commission on Audit sa Manila City Hall ang tambak na proyekto ng nasabing barangay, samantalang iilan lamang sa mga ito ang inilatag  sa kanila.

Dahil dito, hindi umano siya makakuha ng clearance mula sa Commission on Audit (COA) at Barangay Bureau dahil lumalabas na mayroon pa itong account na hindi naman niya natanggap.

“Maraming mga project din ang SK na hindi ko na-acknowledge at wala silang pinapipirmahan sa akin, kaya nagtataka ako bakit marami akong accounts,” dagdag pa ni Sta.Teresa

Ang maanomalyang paglustay sa pondo ng barangay at maging sa pondo ng SK ay nagsimula pa umano noong termino ni Barangay Chairman Gener Hernandez mula 2008 hanggang 2010.

Si Hernandez ay pinalitan ni Chairman Rafael Palisoc nitong nakalipas na Oktubre 25, 2010.

Nang i-inventory na ang mga nasabing proyekto, karamihan sa mga kagamitang binili ay hindi na mahagilap at ang iba ay natagpuan sa bahay ni Hernandez.

Ayon naman sa Barangay Buraeu, clear na umano sa panig ni Hernandez dahil namatay na ito noong Disyembre 2010.

Ngunit may pananagutan pa rin si Chairman Palisoc dahil siya ang pumalit kay Hernandez at may responsibilidad sa lahat ng itine-turn-over.

Napag-alaman din sa panig ni Sta. Teresa na puro dokumento lamang ang ipinakikita ng incoming chairman at walang physical inventory ng mga kagamitan sa barangay kagaya ng computer, motorcycle, videoke, speaker, equalizer mixer, dvd player  at marami pang iba.

Nanawagan naman si Sta. Teresa sa huwag gamitin ng mga opisyal ng barangay ang kabataan upang mangurakot ng pondo.

Posible namang sampahan ng kasong malversation of public funds si Palisoc, dating treasurer na si Pialyn Sollano at kasalukuyang treasurer Francisco de Jesus III dahil na rin sa umano’y paglustay sa pondo ng barangay at SK. Jocelyn Tabangcura-Domenden/Photo by: Crismon Heramis

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply