Mga ospital oobligahing magkabit ng mga CCTV

ISINULONG ni Sen. Miriam Defensor-Santiago ang sapilitang pagkakabit ng closed circuit TV (CCTV) camera sa lahat ng pampubliko at pribadong ospital tulad ng ginagawa sa Vietnam at Malaysia.

Sa Senate Bill 1567, oobligahin ang mga pagamutan na magkabit ng CCTV hindi lamang sa entrance at exit kundi maging sa operating at delivery rooms, intensive care units at mga nursery.

Ayon sa senadora, sa pamamagitan nito ay maire-record ang mga medical procedure at iba pang nangyayari sa ospital upang maiwasan ang mga medical malpractice, palitan ng mga sanggol at para sa seguridad ng mga doktor at pasyente.

Nakapaloob naman sa panukalang batas na maaaring hilingin ng pasyente na patayin ang CCTV camera kung ayaw nitong makunan ng video.

Magiging confidential umano ito at maaari lamang ilabas kung may utos ang korte.

Isinulong ni Santiago ang panukalang batas dahil sa nilabag na right to privacy ng isang pasyente sa Vicente Sotto Memorial Medical Center sa Cebu noong Abril 2008, matapos na makunan ng video ang mga nagtatawanang doktor habang inaalis ang spray can sa puwet ng pasyente.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply