Residente malapit sa Bulkang Taal lumikas

NAGSILIKAS ang may 17 pamilya na naninirahan malapit sa Bulkang Taal sa lalawigan ng Batangas, kagabi Abril.

Base sa ulat, nagtungo sa bayan ng Talisay ang mga nagsilikas na pamilya bunsod na rin ng muling pag-alburuto ng bulkan.

Ang mga nagsilikas ay pansamantalang nakituloy sa kanilang mga kamag-anak sa ibang lugar.

Kahapon ay naitala ang 31 pagyanig sa palibot ng bulkan at sa nakalipas na 24 oras ay naitala naman ang anim na mahihinang volcanic quakes.

Ayon sa executive director ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na si Benito Ramos, patuloy na nakaalerto ang kanilang grupo sa anumang posibleng mangyari.

Sa kabila ng pagkalma ng Taal ay nananatiling nakataas pa rin sa Alert Level 2 ang paligid nito, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Kahapon naitala rin ang pagkapal ng level ng carbon dioxide sa paligid ng Taal.

Dahil dito, isinara ang Daang Kastila trail para mapigilan ang mga tao na makapasok sa lugar upang maiwasan din ang anumang pinsala na maaaring idulot ng bulkan. Alex Luiz

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply