Mga Pinoy sa Fukushima pinalilikas na

NANAWAGAN ngayon, Martes, ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa mga Pilipinong nananatili sa paligid ng nasirang plantang nukleyar sa Japan na lumikas sa mas ligtas na lugar.

Ito ay makaraang magdesisyon ang pamahalaang Hapon na itaas sa alert 7 mula sa alert 5 ang crisis level sa Fukushima Daiichi power plant.

Hinimok ni Ambassador Manuel Lopez ang mga Pilipinong nananatili sa Fukushima Prefecture na pansamantalang lumikas sa mas ligtas na bayan o lungsod sa Japan habang patuloy ang pagkalat ng radioactive substances na maaaring may banta sa kalusugan ng mamamayan.

Umaabot sa mahigit 1,000 Pilipino pa ang nananatili sa Miyagki at Fukushima prefectures at karamihan dito ay pansamantalang nanunuluyan sa mga itinayong evacuation center. Ang mga ito ay pawang nakapag-asawa na ng mga Hapon.

Sinabi pa ni Lopez na pupulungin nito ang mga opisyal ng embahada sa Tokyo upang makapagbalangkas ng kaukulang hakbangin kung papaano maililikas ang mga naiwang kababayan sa Fukushima.

Dagdag pa ni Lopez, pinag-aaralan na rin ng embahada kung maaring pansamantalang manirahan sa silangang bahagi ng Japan ang mga Pilipino habang patuloy ang pagkalat ng radioactive substance sa paligid ng plantang nukleyar.

Sa ulat ng Kyodo News, sinabi ng mga opisyal ng Japan Nuclear and Industrial Safety Agency na maituturing na sa pinakamalubhang lebel ang pagkalat ng radioactive substance.

Nauna nang ginamit sa Chernobyl nuclear plant accident  noong 1996 sa bansang Ukraine ang Level 7 kung saan libu-libong terabecquerels ng radioactive iodine-131 ang umabot sa ere.

Ang isang terabecquerel ay katumbas ng one trillion becquerels.

Gayunpaman, iginiit ng Japan na ang radioactive particles mula sa Fukushima plant ay mababa pa rin kumpara sa Chernobyl nuclear plant. Freddie Cortez

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply