Mga pulis ikakalat sa residential area

DAPAT na umanong ikalat ang mga pulis na naka standby lamang sa headquarters sa bawat istasyon ng pulisya upang magbantay sa mga residential area.

Ito ang iniutos ni Manila Mayor Alfredo Lim  sa mga opisyal ng Manila Police District (MPD) sa ginanap na command conference sa Manila City Hall para sa seguridad na kanilang ipatutupad ngayong Semanta Santa.

Inatasan ni Lim si MPD Director Chief Supt. Roberto Rongavilla na paigtingin ang “police visibility” sa lungsod partikular na sa mga residential area.

Anang alkalde, marami umanong residente ang nagsisipagbaksyon tuwing Semana Santa kung saan madalas nananamantala ang mga magnanakaw kung kaya dapat lamang aniya na maraming ipakalat ng pulis sa mga kalsada.

Dagdag pa ni Lim na dapat nakauniporme ang mga pulis upang mapigilan ang mga masasamang loob na gumawa ng krimen.

Kasabay nito, muling iginiit ng alkalde sa mga opisyal ng MPD na pagtuunan ng pansin ang kanyang kampanya laban sa lahat ng uri ng sugal, partikular na ang jueteng.

Inatasan ng alkalde ang mga station commanders na isamang kasuhan ang lahat ng nagsisilbing protektor sa mga sugalan. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply