Rebel soldiers muling manunumpa sa katapatan

MULING panunumpain sa katapatan ni Defense Secretary Voltaire Gazmin ang mga rebeldeng sundalo na kinasuhan ng rebelyon o tangkang pagpapatalsik kay dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo.

Ayon kay Gazmin, kinakailangang muling manumpa sa kanilang katapatan sa watawat at Saligang Batas ang mga sundalong pinagkalooban ng amnestiya ng kasalukuyang administrasyon.

Nabatid na personal na pangungunahan ni Gazmin ang pag-administer ng Oath of Allegiance sa mga indibiduwal na napagkalooban ng amnestiya sa AFP General Headquarters Canopy sa darating na Lunes, Abril 4, kasunod ng regular Monday flag raising ceremony.

Nabatid na ang oath taking ay isang requirement na hinihingi base sa Presidential Proclamation No. 75 na inisyu noong Nobyembre  24 ng nakaraang taon na nagbibigay ng amnesty sa mga kagawad ng AFP na sumama sa Oakwood mutiny, Marine stand-off at  Manila Peninsula incident.

Nabatid na hangang Marso 3, 2011 ay umaabot na sa 225 ang napagkaloban ng amnestiya subalit 115 lamang ang naka-panumpa at ginawa ito sa AFP Officers Clubhouse, Camp Aguinaldo nitong nakalipas na buwan ng Enero.

Kabilang sa mga huling napagkalooban ng amnestiya sina Marine Bgen. Renato Miranda, dating 1st Scout Ranger Regiment Bgen. Danilo Lim at medal of valor awardee Marine Col. Ariel Querubin. Verlin Ruiz

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply