Tenement residents tumangging magpalipat

PATULOY na binabalewala ng mga residente ng Vitas Tenement Housing ang utos ng National Housing Authority (NHA) na lisanin na ang gusaling tirahan kahit matapos ikinondena na ito.

Sa pagsusuri ng Department of Public Works and Highways (DPWH), namimiligrong magiba ang nasabing gusali sakaling magkaroon ng mga kalamidad, tulad ng malakas na lindol na katulad ng sumalanta sa Japan.

Wala umanong balak lisanin ng mga residente ang kanilang mga tinitirhan at nag-rally pa ang mga ito at nagbarikada habang nakikipag-usap ang mga lider nila sa mga tauhan ng NHA.

Inihain ng NHA ngayon ang kautusan ng ahensya na nagbibigay ng 30-araw na palugit sa mga residente para bakantehin ang tenement at lumipat sa ibinigay na relokasyon sa Barangay Gaya-Gaya sa San Jose del Monte, Bulacan.

Ayon sa mga residente, mamatamisin pa nila umanong mamatay sa Tondo kaysa lumipat sa Bulacan. Idinahilan nilang malulugi sila sa pamasahe kung doon sila maipatatapon dahil masyado umanong malayo ito mula sa kanilang pinagtatrabahuhan at eskwelahan.

Sabi nila, rehabilitasyon ng gusali at hindi relokasyon ang nais nila. Ben Reyes

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply