Mga sakit sa summer season tataas — DOH

BINALAAN ng Department of Health ang mamamayan sa posibleng pagtaas ng mga kaso ng diarrhea, food poisoning, sunburn at heat stroke ngayong papasok na ang summer season.

Ayon kay Dr. Eric Tayag, direktor ng DOH-National Epidemiology Center (NEC), inaasahang tataas angf porsiyento ng pagkakaroon ng mga naturang sakit partikular na ang diarrhea at food poisoning dahil ito rin ang panahon ng mga fiesta.

Maging mapagmatiyag sa mga iniinom na tubig na maaaring kontaminado ito ng bacteria at amuyin muna ang mga pagkaing ihahain upang masigurong hindi pa ito panis. Dapat ding tiyaking malinis ang pagkakahanda ng pagkain upang maiwasan ang food poisoning. Marjorie Dacoro

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply