Mga salarin sa media killings ipako sa krus – media group

KUNG puwede lamang sana ay dapat ipako sa krus ang mga utak at salarin sa mga pagpatay ng mga manggagawa ng media sa bansa, ayon sa isang grupo ng mga mamamahayag.

Ito ang ipinanawagan ng Freedom Fund for Filipino Journalists Inc. (FFFJ) at iba pang organisasyon kay Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III upang matigil na umano ang kultura ng karahasan at wakasan ang walang habas na pagpatay sa mga kasapi ng media .

Ayon sa FFFJ, ngayon sanang Semana Santa ay magtika si Pangulong Aquino at pag-isipang mabuti kung paano maaksyunan ang media killings sa bansa na sinasabing karamihan ay  kagagawan ng mga opisyal ng gobyerno at Philippine National Police (PNP).

“As the country marks a period of reflection during Holy Week,  Mr. Aquino should take time to also contemplate what needs to be done to end the media killings. Many masterminds of the killings were government and police officials,” anang grupo

Ayon sa mga institusyon ng media, panahon na para wakasan ang media killing sa bansa  at kailangan lumikha ang Pangulo ng isang kongkretong hakbang para wakasan ang patayan at  harassment na ginagawa sa hanay ng mga mamamahayag.

“Hanggang umiiral ang karahasan sa bansa at kawalang ng pagsasa-alang-alang sa buhay ng tao , lahat ng Filipino, hindi lamang mga  journalists at  media workers kung hindi maging ang mga  ordinaryong mamayan, ay mananatiling nabubuhay sa peligro,” ayon pa sa grupo.

Kaugnay nito binatikos din ng FFFJ ang Pangulo dahil matapos siyang maluklok sa poder ay hindi niya napahinto ang patayan sa hanay ng media na naging tampok din sa panunungkulan ng pinalitan niyang si dating  Presidente Gloria Macapagal Arroyo.

Mahigit isang lingo matapos ang Aquino inauguration ay in-ambush  ang broadcaster na si Miguel Belen ng  Camarines Sur noong Hulyo 9, 2010.

Anim na buwan ang nakalipas ay pinagbabaril naman ang Palawan-based broadcaster at anti-mining advocate Dr. Gerry Ortega.

Nito lamang nakalipas na  Marso  24, 2011, dalawang buwan matapos na paslangin si Ortega ay binaril naman at napatay ang broadcaster  na si Len Flores Sumera sa Malabon City. Verlin Ruiz

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply