Mga sunog sa QC, pinagtataka ng solon

DUDA si Quezon City Rep. Winston “Winnie” Castelo sa sunod-sunod na sunog sa iba’t-ibang lugar sa lungsod nitong nakalipas na ilang linggo.

Ito ang nag-udyok kay Castelo upang isulong ang isang resolusyon upang magsagawa ng imbestigasyon ang Kamara upang matukoy kung aksidente talaga o sinadya ang mga ito.

Ginawa ni Castelo ang pahayag matapos makatanggap ng mga ulat na posibleng sinadya ang naganap na sunog upang puwersang mapaalis ang mga informal settlers mula sa mga pribadong lupain.

Apat na magkakahiwalay at sunod-sunod na sunog ang naganap sa loob lamang ng isang buwan sa Quezon City.

Noong Abril 10, isang malaking sunog ang tumama sa Purok 1-A, Barangay Culiat at sa may Agham Road sa Barangay Central.

Ilang linggo bago ang dalawang sunog, dalawang sunog din ang nangyari sa Vargas Compound, Barangay Culiat at Agham Road sa District 4.

“I want to know if these fires were accidental in nature or if there are some very bad people behind the incidents. If arson is involved, I’ll make sure that the culprits are arrested and take the full force of the law,” paliwanag ni Castelo. Meliza Maluntag

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply