Mga wagi sa 2011 Bb. Pilipinas

WAGI ang pambato ng General Santos City na si Shamcey Supsup matapos maiuwi ang korona ng Bb. Pilipinas-Universe kagabi, Abril 10.

Panalo din sina Dianne Necio bilang Bb. Pilipinas-International at Isabella Manjon bilang Bb. Pilipinas-Tourism.

Naging matagumpay naman ang patimpalak. Ito kauna-unahang pagkakataon na ABS-CBN 2 ang nag-ere sa pinakamataas na beauty contest sa bansa dahil dito kinukuha ang lalaban o magiging representatnte ng Pinas para sa Miss Universe.

Sina Derek Ramsay at KC Concepcion ang nag-host ng show at kaagaapay nila ang mga dating winner ng Bb. Pilipinas na sina Mirriam Quiambao at Precious Lara Quigaman.

Ang nagwaging si Shamcey Supsup ay isang magna cum laude sa University of the Philippines sa kursong Agriculture.

SIya na ang representante ng bansa para sa Miss Universe na gaganapin sa Brazil sa Setyembre.

Maaga pa lang sa kompetisyon ay nauwi din Shamcey ang ang Miss Talent, Miss Philippine Airlines at Miss Creamsilk.

Nasungkit naman ang Best in National Costume ni Elizabeth Clenci ng Agusan del Norte,  Best in Swimsuit si Queenierich Rehman at Best in Evening Gown si Luzelle Felipe.

Si Angelia Ong na taga Iloilo City ang Texter’s Choice, pinaka palakaibigan naman si Samantha Purvor matapos na makuha ang Miss Friendship at ang Manila Bulletin’s Readers’ Choice ay Luzelle Felipe ng Bulacan.Alex Luiz

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply