Migz kay Mikey: Huwag kang duwag

IMINUNGKAHI ni Sen. Juan Miguel Zubiri kay Ang Galing Party List Rep. Mikey Arroyo na harapin ang tax evasion case na isinampa ng Bureau of Internal Revenue (BIR) sa halip na magdadakdak na parang harassment ang nangyayari.

Sa panayam, sinabi ni Zubiri na kung walang itinatagong kabulukan ang anak ni dating Pangulo at Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo, dapat umanong wala siyang takot na harapin ang anumang kasong isasampa ng kasalukuyang administrasyon.

“If the former members of the last administration have nothing to hide then they have nothing to fear. If the BIR or any agency sees possible violation of the law no one should be exempted,” ani Zubiri.

Ayon kay Zubiri na dapat sagutin ni Arroyo ang paratang ng BIR sa hindi pagbabayad ng tamang buwis noong kasagsagan ng administrasyon ng dating Pangulo dahil tungkulin lamang ng ahensiya na habulin ang hindi nagbabayad ng buwis.

“If there is a tax evasion case filed against Rep. Arroyo, then he should answer this case, get the best lawyers possible, the BIR has to do their job and let the court decide on this particular issue, there’s a tax court for this issue,” ayon kay Zubiri.

Ngunit, iminungkahi din ni Zubiri sa BIR na huwag mamili ng kakasuhan, at dapat sampahan ng kaukulang asunto ang sinuman kahit kaalyado ni Pangulong Benigno Aquino III upang mapatunayan sa taumbayan ang “matuwid na daan.”

“But let me stress, dapat gawin din yan sa mga kaalyado, allies of this administration who are possible violators of the law there should not be a trend of only one particular organization or party,” giit ni Zubiri. Ernie Reyes

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply