Mikey Arroyo, misis kinasuhan ng tax evasion ng BIR

TAX EVADERS!

Ito ang nakitang butas ng Bureau of Internal Revenue para kasuhan ng tax evasion ang mag-asawang Rep. Mikey Arroyo at Maria Angela matapos mabunyag ang tila pag-iwas nila sa pagbabayad ng buwis at pagkabigong maghain ng income tax return (ITR).

Ayon sa BIR, hindi nagbayad ng tamang buwis ang mag-asawa ayon sa kanilang mga nabiling ari-arian na nagkakahalaga ng milyon-milyong piso mula 2004 hanggang 2009.

Kabilang umano sa ari-arian ang residential houses sa Estados Unidos, sa Lubao, Pampanga at La Vista Subdivision sa Quezon City gayundin ng motorsiklo, stock shares, mga alahas, mga damit at iba pang personal effects na nakatala sa Statements of Assets Liabilities and Net Worth (SALN) ng mag-asawa noong Disyembre 31, 2002 hanggang 2009.

Ayon naman kay BIR Commissioner Kim Henares, sa kabila umano ng malaking kita ng mag-asawa batay sa kanilang mga ari-arian ay nabigo ang mga ito na maghain ng ITR.

Hindi umano nagpasa ng ITR si Rep. Arroyo para sa taxable year na 2005, 2008, at 2009 habang si Angela ay walang inihain na ITR mula 2003 hanggang 2009.

Inihayag ni Henares na ang pagkabigo ng mag-asawang Arroyo na maghain ng ITR ay malinaw na ebidensya na umiiwas sila sa pagbabayad ng buwis. Girlie Raoet

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply