MILF, Ampatuans nagkasagupa, 2 sugatan

SUGATAN ang dalawang tagasunod ng angkan ng mga Ampatuan makaraang makasagupa ang panig ng Moro Islamic Liberation Front sa liblib na Barangay Buayan, Maguindanao.

Ayon sa natanggap na ulat ni Col. Prudencio Aston ng public affairs officer ng Army 6th Infantry Division, ang labanan ay nag-ugat sa nakaraang alitan kaugnay sa awayan sa inaangking lupain sa naturang lugar.

Ang sugupaan ay nagsimula kaninang 12:00 ng tanghali, Abril 10 sa Barangay Sampao sa panig ng angkan ng mga Ampatuan sa pamumuno ng isang Sukarno Utto Ampatuan  at Teng Lumenda, alyas Commander Flash ng 106th Base Command ng MILF.

Ayon kay Asto, ang sagupaan ay tumagal ng isang oras na nagresulta sa pagkakasugat ng 55-anyos na si Sukarno Ampatuan at ng 24-anyos na anak na si Rohala na kapwa dinala sa Sultan Kudarat provincial hospital para malapatan ng lunas.

Batay sa report ang grupo ng rebeldeng MILF ay tumakas patungong barangay Baital, Buayan na walang iniulat na nasugatan.

Sa kasalukuyan, inaalam pa ng mga awtorida kung ang nasugatan ay kabilang sa mga tagasunod na mga Ampatuan na kabilang sa listahan ng mga wanted sa pagkakasangkot sa malagim na masaker.

Samantala, nagpakalat na ng puwersa ng militar sa naturang lugar upang mapigilan ang naganap na katulad na engkuwentro. Johnny F. Arasga

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply