Militar vs NPA: Paslit tepok

NASAWI ang 8-anyos na batang babae makaraang maipit sa sagupaan ng militar at NPA.

Ayon sa ulat, nasawi si Rosa Ann Gubat, ng Barangay San Pascual, Casiguran, naturang lalawigan nang maipit sa sagupaan ng dalawang paksyon.

Nabatid kay Maj. Angelo Guzman, spokesman ng 9th Infantry Division, nagsasagawa ng humanitarian mission ang mga elemento ng 49th IB sa lugar nang biglang barilin na lang sila ng may 10 kalalakihan.

Napag-alamang isinugod pa ang biktima sa malapit na pagamutan subalit hindi na rin umabot dahil sa natamong malubhang tama. Marjorie Dacoro

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply