Minahan sa Compostela gumuho, 20 patay

TINATAYANG 20 katao ang kumpirmadong patay habang lima ang nakaligtas makaraang gumuho ang isang minahan sa sitio Panganason, Brgy. Kingking Pantukan, Compostela Valley Province.

Nabatid na patuloy ang ginagawang search and retrieval operations ng mga sundalo at mga rescue teams mula sa lokal na pamahalaan ng Pantukan, Compostela Valley Province.

Ayon sa report ng Compostela Valley Police Provincial Office, naka-confine ngayon sa Patukan District Hospital ang limang nailigtas ng rescue team.

Nangyari ang insidente bandang 2:30 ng madaling-araw nang biglang gumuho ang isang tunnel at diretsong nadaganan ng putik at bato ang mga kabahayan sa ibabang bahagi ng lugar.

Inaasahang madaragdagan pa ang bilang ng mga nasawi dahil natutulog ang mga residente ng nasabing lugar nang maganap ang trahedya. Marjorie Dacoro

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply