Mindanao domination kinumpleto ni Estanio, Jr. sa Smart/Head tilts

SINO ang makapipigil kay Rogelio Estanio, Jr.?

Kanina, kinumpleto ng promising junior tennis player na si Estanio ang dominasyon sa Mindanao legs ng Smart presents HEAD Age-Group National Tennis Tour 2011 Junior Satellite Circuit nang magkampeon sa Cagayan De Oro stop sa Nazareth Tennis Club. Tangan ang fiery form sa mga nagdaang Koronadal at Davao legs, hindi pa rin maawat si Estanio nang sikwatin ang 16 at 18-under class crowns sa nasabing third stop ng 13-leg, 70-day junior tennis sattelite circuit na suportado ng Chris Sports, Meralco, Maynilad, Head, the official ball, at Toalson.

“I’m willing to do everything what it takes to win every leg to earn ranking points,” kwento ng Parang, Maguindanao native na si Estanio, Jr.

Tinalo ng top seed na si Estanio ang No. 2 ranked na si Elvie Lopez, 10-3, sa boys’ 18-below group at isinunod naman si third seed Jeleardo Amazona, 10-4, sa 16-under division tungo sa dalawang bagong korona ng event na iniisponsoran ni Smart Communication Chairman Manny V. Pangilinan.

Sa 18-U girls’, nag-rally si Lenelyn Milo kay No. 1 Lynette Palasan, 10-7, para sa titulo, samantalang si Roxanne Resma ay sinikwat ang 16-under girls’ tiara nang talunin si Lynette Palasan, 10-8.

Kinawawa ni Resma si Ma. Dominique Ong, 10-3, para naman sa girls’ 14-under title.

Angat si Jeleardo Amazona kay Christian Fel Lopez, 10-4, para sa korona ng boys’ 14-below crown, habang si Mat Steve Palasan ay naka—survive kontra JR Vacalares, 10-9, tungo sa 12-under boys’ trophy.

Nakamit ni Carmela Janelle Llavore ang trono ng girls’ 12-under category nang bugbugin si Nicole Marapao, 10-4.

Ibinasura ni Henry Samuel Garcia si Christian Llavore, 10-4, upang kunin ang unisex 10-under title.

Sanction ng Philippine Tennis Association (PHILTA) ang Smart presents HEAD Age-Group National Tennis Tour 2011 Junior Satellite Circuit sa pakikipagtulungan ng mga tagahatid ng torneo kabilang ang Smart Sports at Head, na patuloy na pipnapalakas ang tennis grassroots program sa buong bansa.

Magbibigay ang PHILTA ng ranking points sa bawat leg winners ng event na dadayo na sa Visayas regrion simula sa susunod na linggo tampok ang pambungad na Cebu leg. Girlie Raoet

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply