Mindoro nilindol ng magnitude 4.7

NAKARANAS ng pagyanig ng lindol na may 4.7 magnitude ang ilang bahagi ng Mindoro, madaling-araw ng Lunes, Abril 2.

Ayon sa ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), naranasan ang pagyanig bandang 02:28 ng madaling araw.

Nabatid na namataan ang epicenter nito sa 86 kilometro sa kanluran ng Mamburao, Occidental Mindoro na may lalim na 44 kilometro kung kaya itinuturing na mababaw lamang ang pagyanig.

Nilinaw ng Phivolcs na tectonic ang pinagmulan ng lindol at walang kinalaman ang anumang volcanic activity. Marjorie Dacoro

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply